Karaniwang Mga Tanong
🌎 Nakadepende ba ang app na ito sa mga panlabas na site, pinagkukunan, o "curators" upang mag-download ng mga publikasyon, media ng pulong, o ibang content?
Hindi. Gumagana ito kagaya ng JW Library. Nagda-download ito ang mga publikasyon, media, at iba pang content nang direkta mula sa opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova at ng kanilang content delivery network. Awtomatikong tinutukoy ng app kung ano ang kailangang i-download at kung ang mga patiunang na-download na content ay hindi na up-to-date at kailangang i-download muli.
Note
Available sa lahat ang source code ng app upang masuri kung ano ang nasa likod nito.
🤔 Nilalabag ba ng app na ito ang Terms of Use ng opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova?
Hindi. Ang Terms of Use ay hayagang pinapahintulutan ng opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova ang uri ng paggamit na ginagawa namin. Narito ang kaugnay na bahagi mula sa mga tuntuning iyon (binigyang-diin ang mahalagang bahagi):
Hindi ka pinapayagang:
Gumawa, para sa layunin ng pamamahagi, ng anumang software application, tool, o pamamaraan na sadyang ginawa para mangolekta, kumopya, mag-download, mag-extract, mang-ani, o mag-scrape ng data, HTML, mga larawan, o teksto mula sa site na ito. Hindi nito ipinagbabawal ang pamamahagi ng libre at di-komersiyal na mga application na idinisenyo para mag-download ng mga elektronikong file gaya ng EPUB, PDF, MP3, at MP4 mula sa pampublikong bahagi ng site na ito.)
☢️ Paano ako mag-uulat ng isyu?
Pakisuyong mag-file ng isyu sa opisyal na GitHub repository.
🆕 Paano ako magre-request ng bagong feature o pagpapahusay?
Pakisuyong magbukas ng discussion sa opisyal na GitHub repository.
🤝 Paano ako makakapagbahagi ng ilang code?
Pakisuyong tingnan ang contributing guide sa opisyal na GitHub repository.
❌ Puwede ba akong magbigay ng donasyon?
Salamat sa interes mong tumulong sa project na ito! Gayunpaman, bilang pagsunod sa diwa ng Mateo 10:8, hindi tatanggapin at kailanman ay hindi tatanggap ng donasyon. Ang app ay ginawa nang may pag-ibig at naglaan ng kaunting panahon. Mag-enjoy! 🎉
📖 Mateo 10:8
"Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad."