Tungkol sa Meeting Media Manager (M³)
Ano ang app na ito?
Meeting Media Manager, o M³ sa maikli, ay isang app para sa Windows, macOS, at Linux, na awtomatikong nagda-download ng mga larawan at video na ginagamit sa mga pulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova, sa anumang wika na matatagpuan sa opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.
Tampok nito ang tulong para sa pag-manage ng karaniwan at custom na media sa mga pulong, at tulong para sa maraming kongregasyon at/o grupo na gumagamit ng parehong computer account.
Note
Nakilala ang M³ bilang JWMMF (JW Meeting Media Fetcher), pero binago ang pangalan noong Mayo 2022.
Bakit M³?
Ang M³ ay ang pinakamahusay na gamit para sa pag-manage ng media sa mga pulong, na nag-aalok ng tuloy-tuloy, maaasahan, at maraming feature sa iba’t ibang platform.
Mga susing pakinabang
Napakadaling pagpapakita ng media: Ang pinakamahusay na paraan ng pagpapakita ng media — buksan lang ang M³ at gagana na ang lahat. Walang komplikadong setup o karagdagang mga paraan.
Tulong sa maraming kongregasyon: Madaling i-manage ang settings para sa maraming kongregasyon o grupo sa iisang application.
Advanced features: Madaling magdagdag ng extra media, at awtomatikong ibahagi ang mga nangyayari sa Kingdom Hall sa Zoom.
Pinahusay na performance sa iba’t ibang platform: Masiyahan sa maayos at maaasahang paggamit sa Windows, macOS, at Linux — kahit sa mas lumang system o mga computer na may limitadong resources.
Maaasahan at ligtas: Dinisenyo upang gumana sa mga pagkakataong pinaka-kailangan. Nakaranas ng bug? Ipaalam upang matugunan agad.
Ano ang kayang gawin ng M³?
Sa maikli, pinapadali at awtomatikong pag-download, pag-synchronize, pagbahagi at pag-display lahat ng meeting media ng M³.
Para sa hybrid o in-person na mga pulong ng kongregasyon, ang integrated media presentation mode ay may lahat ng kinakailangang feature upang pasimplehin ang pag-display ng media sa kongregasyon, kabilang ang:
- Media thumbnails na kayang i-zoom at i-pan, gayundin ang haba ng pag-display ng media.
- Madaling gamitin na mga pause/play/stop button sa pag-manage ng playback ng media files
- Madaling pag-play ng background music, na awtomatikong humihinto bago magsimula ang oras ng pulong.
- Awtomatikong pagtukoy at pag-manage ng external monitor
- OBS Studio integration na may awtomatikong pagpapalit ng scene habang media presentation
- Pag-display ng opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova sa external monitor
- Mag-import ng JWPUB files, JWPLAYLIST files at mga video mula sa opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova sa ilang click lamang.
- Mag-import ng Study Bible media at audio recordings ng Bagong Sanlibutang Salin ng Bibliya sa ilang segundo.
- Laging may public talk media overview (S-34) sa isang click lang at handa nang gamitin anumang oras kailangan.
- Mga custom na video, larawan, audio files at kahit PDF format ay madali ring i-import!
Subukan ang M³ ngayon at tingnan mo ang kaya nitong gawin! Hindi pa kailanman naging kasing-dali ang pagpapakita ng media sa mga pulong ng kongregasyon.
Gumagana ba ang M³ sa sarili kong wika?
Oo naman! Awtomatikong mada-download ang media para sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova alinman sa daan-daang wika na available sa opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova. Awtomatikong naa-update ang listahan ng mga available na wika—piliin kung alin ang kailangan mo.
Bukod pa rito, naisalin na rin ang M³ sa iba't ibang wika sa tulong ng mga boluntaryo. Maaari mong i-configure kung anong wika ang gusto mong gamitin para sa interface ng M³.